"Wika Natin ang Daang Matuwid"
Wika.... Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Bilang isang Filipino ay may sarili din tayong wika at ito ay ang wikang Tagalog. Kung wala ang Wika? Mayroon bang mga taong nagkakaintindihan ngayon? Mayroon bang mga taong nag-uusap ngayon? Wala Diba? Kaya mahalaga ang pagkakaroon natin ng Wika.
Mahalaga ang pagkakaroon ng sariling wika ang isang bansa upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa isa't isa at upang magkaintidihan tayong lahat. Lahat tayo ay may kanya-kanyang wika pero ang pinakagamit nating wika dito sa pilipinas ay ang wikang tagalog. Dapat natin itong bigyang halaga at irespeto para sa kaunlaran ng ating bayan. Ang ating wika ang gabay natin para sa tuwid na daan dahil walang taong nagkakaintindihan ngayon kung wala ito. Ito ang nagsisilbing gabay natin sa lahat ng bagay.
Dapat nating gamitin ng wasto at tama para sa ikabubuti ng lahat. Kahit saan tayo pumunta, mapa-ibang bansa man o hindi ay dapat nating gamitin ito upang mabigyan natin ito ng halaga. Dapat nating ipagmalaki ang ating sariling wika at irespeto ito.
No comments:
Post a Comment